Nasawi ang isang 73-anyos na lola matapos siyang mabangga ng isang electric bicycle o e-bike sa Marikina.
Sa kuha ng CCTV camera, nahuli-cam ang biktimang Luzviminda Bisares, na patawid nang mahagip siya ng e-bike na dahilan para siya matumba."Hindi ako makapaniwala bakit niya po binangga at sinagasaan po lola ko na nagtamo ng brain injury and putol po ang braso niya," ayon sa apo na si Samantha Bisarez.
"Sabi niya may tinitingnan daw siya sa bulsa niya pero nasa CCTV at lahat noong tao doon nakita na nagse-cellphone po siya while driving," ani Samantha. Inamin naman ng suspek na nagpanik niya sa nangyari kaya hindi niya naisugod kaagad sa pagamutan ang biktima.