end of the worldPero isang bagay ang hindi kathang-isip: hindi na malayo ang katapusan ng sangkatauhan... kung hindi kikilos ang mga bansa sa buong mundo.
Hindi ito pelikula, mga pare/mare. Kaya’t sa susunod na may balita tungkol sa “global warming” at “COP26,” makinig ka – hindi 'yan bagay na walang kinalaman sa 'yo. Ang mga gas tulad ng carbon dioxide at methane ay nagsisilbing kumot na pumapalibot sa Earth, at nagta-trap ng init, kaya’t nagbabago ang klima. Parang ikaw 'pag nainitan ka dahil sa kumot. 'Yan ang nais ng COP26 – bawasan ang nakatalukbong na makapal na kumot. PANOORIN:Methane ang pangalawang pinakamalaganap na greenhouse gas matapos ang carbon dioxide. Mas mabagsik ito sa pagta-trap ng init, parang nagkumot ka ng nylon at hindi cotton.